Monday, July 24, 2006

Timing na Katamaran

Mabuti naman at natupad din yung kagabi ko pang hinihiling: ang masuspinde ang klase ngayon. Salamat Glenda.

Paano ba naman kasi, kagabi ko pa hindi natatapos yung movie critique ko sa Litera1 (sa totoo nga, hanggang ngayon di ko pa siya natatapos :D). Hinintay ko lang kasi yung kuya ko na matapos siyang gumamit ng computer kahapon, kahit na buong araw na niyang ginagamit iyon.

Ika nga nila sa Ingles, Patience is a virtue. Bahala na kahit masyado nang gabi. Ako naman (ata) ang alagad ng cramming. At kung sabagay, kapag masyadong maaga kong inumpisahan e hindi ko rin naman agad matatapos dahil ako ay isang alagad din ng procrastination. Hehe.

Bukod sa critical paper, hindi rin ako masyadong nakapag-aral para sa exam sa Litera1, at wala pa din akong naumpisahan sa persuasive speech ko sa Engltri. Mabuti na lang at ma-eextend na naman sila. GALING.

Mabuti na lang at mailalaan ko din ang oras na ito sa pagbabasa ng The God of Small Things, ang nobela na napili ko para sa final critical paper (sa Litera1 pa rin). Kahapon ko lang natapos yung Chapter1. Ayos, 21 chapters na lang, at meron pa akong dalawa hanggang tatlong linggo para doon. ANG GALING MO TALAGA IDOL.

---------

Alas-kwatro na, at mag-uumpisa pa lang mag-salita si GMA para sa kanyang SONA.

Alas-kwatro. Kung nagkaroon pa ng pasok, paano na kaya kami ni JM pati ang mga kapwa naming estudyante na sa Fairview umuuwi (or at least, sa Commonwealth Avenue dumadaan).

Kung nagkataon, siguradong lagas na naman ang pera ko sa kakalaro, isang pampalipas-oras since 10:30 pa natatapos yung huli kong klase pag MWF. Siguradong mga alas-sais lagpas na akong aalis ng school para pag-uwi ko, pwede nang dumaan sa Batasan.
Pero teka, ok din siguro yun... Siguro nagtago na muna ako sa STRC para gawin yung speech ko. Hehe.

---------

Nakakalahati na ako dito kanina sa pagta-type, nang biglang mag-brownout.

Bwisit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home