Thursday, July 06, 2006

Patawad.

Patawad.

Patawad, at bumalik na naman sa isip ko ang bagay na noon ay kinalimutan ko na. Akala ko, sapat na ang isang beses para lang ipaalala sa akin na hindi pwede. Ngunit hindi e. Napakasama talaga ng pagkakataon. Kailangan na naman nitong ipaalala ang sikretong nakaraan, ang isang bagay na kadalasan ay isinasarili ko lang at hindi ko na sinasabi sa iba.

Patawad, dahil mali naman ang asumpsyon ko.

Mali na naman ako.

Ika nga nila sa Ingles, I got carried away by my emotions. May nangyari lang, may nakita lang, kung anu-ano agad ang naiisip. Napakasama ko talaga. Kung alam lang niya, binugbog na siguro niya ako.

Patawad, at naguluhan ako.

Patawad, at nagpaloko na naman ako sa sarili ko.

Hindi ako mapakali noon. Pakiramdam ko, gusto kitang kausapin, gusto kitang tanungin kung ano ang nangyari, at ano ang maaari kong naitulong. Kahit ano, basta lang makakapagpaluwag ng loob mo, kung sakaling meron ngang gumugulo.

Gusto kita noon, at sa ilang bagay ngayon, gusto pa rin kita.

Patawad at nakikialam ako.


Dahil hindi talaga pwede.

At dahil isa akong tanga.

Muli, patawad.






"...I don't ever wanna feel, like I did that day
Take me to the place I love.
Take me all the way..."

- Under the Bridge, Red Hot Chili Peppers

------

May nangyari nang ganito noon. Pero sa pagkakataong ito, nagawan ko na rin ng paraan para mailabas.

Ayoko na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home