Random ramblings for the day.
Eh. Nakita ko noon ang kuya ko na gumagamit ng Microsoft Visio para sa kaniyang project. So by that, inassume ko na hindi pa niya natatanggal yung program na iyon sa computer.
Since nagkandaloko-loko naman yung mga computer kanina sa STRC at gusto ko na ring umuwi dahil kailangan ko pang mag-aral pa para sa Advaca1, nag-decide na lang ako na umuwi at sa bahay na lang gagawin yung ERD (entity releationship diagram; para sa Datbase) sa bahay, since naisip ko na nasa computer pa namin yung Visio.
Pero pag-uwi ko, ayun... wala. Wala sa Office yung Visio. :|
Naalala ko kanina na nasabi sa akin ni Alvin na kung gaano kahirap gawin sa MS Word yung mga ERD. Sinubukan ko at... napagdesisyunan ko na lang na gawin bukas sa STRC yung mga ERD (unless hihintayin kong makauwi yung kuya ko at magpapa-install nung program na iyon, tapos magpupuyat na naman ako sa harap ng computer :\).
Ah ewan. Bahala na si Batman.
Pero teka, sabi nila ako daw si...
Nah.
-----
Nye corny. Ang tanong na nabunot ko kanina sa impromptu ay "What is the importance of prayer in our life". Ang dami ko na namang nakalimutan. Ni hindi nga ako masyadong nakasingit ng humor e. :(
Oh well. 20/25 = 80%. Pwede na rin heh.
----
Kanina lang tinelevise yung finals match ng DLSU at SSC sa V-Leauge. Kahit alam ko nang natalo ang DLSU sa 1st set tapos nanalo ng tatlong sunod-sunod para mag-champion, pinanood ko pa rin yung game. Exciting hindi ba? [/sarcasm]
Well, hindi naman yun yung point ng post na ito e. Kaya ko lang naman nabanggit kasi napanood ko kanina yung Thai import ng DLSU, si Kanchana "Pu" Jindarat.
Kaawa-awang bayani. Sa tuwing mag-iispike siya, laging sumasakit yung left knee niya tuwing maglalanding. Sa totoo nga, karamihan sa mga pumasok niyang tira e bagsak sa sahig ang inaabot niya pagka-landing.
Pero kahit ganun, sige pa rin siya. Lalagyan lang ng yelo tuwing break, tapos laban agad. Mabuti. Champion naman sila e, kaya hindi sayang yung mga pinaghirapan niya.
-----
Speaking of televised V-League, na-flash ng close-up sa TV si Paola kanina dahil sa katabi niyang may banner. Mga wala pang 2 seconds. Haha. Wala lang.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home