Saturday, April 01, 2006

Hindi ko namalayan, April na pala. Tapos yung latest na entry, noong Feb. 27 pa nakapost. Sus.

Sabagay, ayos lang na wala munang bagong post. Kung tutuusin nga e wala naman akong interesanteng bagay na nilalagay dito. Wala rin namang nagbabasa dito eh hehe...

..at saka, alangan namang magdrama na naman ako dito tungkol sa pag-aaral ko...

..teka, patapos na pala ang term! Aba'y dapat meron akong post sa kung gaano kabababa ang grades ko na paulit-ulit niyo na lang nababasa dito! XD

Pero sige, pagbibigyan ko kayo. Alam ko namang sawang-sawa na kayo e hahaha... At saka pagod na rin akong ikwento pa ang mga nangyayari. Ang masasabi ko na lang ngayon ay sana makapasa ako sa lahat ng subject ko ngayon. x_x

--------

Bago ako umalis, mag-iiwan muna ako ng isang katanungan na alam kong nakaka-relate tayong lahat, lalo na ang mga tulad kong estudyante. Galing ito sa blog ni IƱigo:

Bakit kapag kailan nag-aral ka ng todo-todo para sa exam e napakababa ng markang makukuha mo?

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

sa fairview ka ba lumaki?
wala lang.
baka kasi ikaw yung kaibigan ko dati.
naaliw ako sa mga posts mo.
hehe.
astig.
xchange link?

1:30 PM  

Post a Comment

<< Home