Thursday, February 02, 2006

Quizzes Blues

Patawarin nyo ako. Magrereklamo na naman ako tungkol sa mga grades ko.

Dati, masasabi kong nasa 80+ ang average ng karamihan sa mga first quiz ko. Nagawa ko pa iyon hanggang 3rd term ngayong college.

Pero iba na ngayon. Sa ikatlong kasunod na term, meron na naman akong binagsak na first quiz. Mas malala pa ngayon, dahil dalawa o tatlo ang posibleng naibagsak ko (sigurado na ako dun sa dalawa).

First quiz pa lang yan. Paano pa kaya yung mga ibang quizzes ko? Siguro, iniisip nyo ngayon na, "Bawi ka na lang sa susunod!". Minsan nangyayari rin yan, pero iba ang kaso sa akin...

Ang ibang quiz ko naman dati, kadalasan nasa 70 o 80 (ngayong college lang yan, hindi ko na kailangan pang banggitin yung mga grades ko nung high school :D) . Pero nitong mga nakaraan na term ko, bihira na ako makaabot ng 80, lalo na last term. Kadalasan nasa 60 na, minsan pa nga nasa singkwenta lang. Pag minalas, 40 o 30+ (*ubo*Intoset*ubo*Modealg*ubo pa*Phyfun2*ubo ubo ubo*). At pag sinuwerte naman, 70.

Masuwerte na sa akin ang 70+, totoo.

Ewan ko ba, pero parang nasanay na akong bumagsak, kahit ayaw na ayaw ko. Nakakahiya kasi e, yung mga kasama ko pa naman sa school, puro matatalino. Parang sila na rin ata e nasasanay nang makita ako na ganito ang grades. Naalala ko tuloy yung pinakauna naming quiz sa Math111, kung saan ako ang pangatlo sa pinakamataas (pag hindi sinama yung dalawang APEX >_>). Pagkatapos nun, wala na. Nagmistula tuloy akong isang one-hit-wonder.

Isang araw, bigla ko na lang natanong sa sarili ko, "Nagiging bobo na ba ako?"

Para bang kahit anong gawin kong aral, memorize, at pagsagot ng practice exercises, balewala pagdating ng aktwal na exam (Teka, nasabi ko na ata ito sa mga dati kong posts. Hmm...)

Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang tamang paraan. Kung kailangan kong balikan yung mga nangyari mula nang makakuha ako ng 1.8 GPA hanggang sa magkaroon ako ng dalawang bagsak last term, gagawin ko.

Ika nga nila, "This must be put to an end". Sana nga lang, magawa ko na talaga itong mapigilan, lalo na ngayong term na ito.

----

Patawad ulit. Hindi ako magaling gumawa ng title.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home