Monday, February 27, 2006

Dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, nagkandalabo-labo na ang isip ko at isa-isang nagkakagulo ang mga dapat kong gawin. Kaya heto't napag-isipan kong gumawa ng isang maikling "recap"...

- Walang FlyFF. Putsa, simula nung Huwebes ay hindi pa rin nakakapag-update yung dalawang computer shop na pinaglalaruan ko. Ang mas masaklap pa, down din yung server ng forums nila. Bagot na bagot na ako. Ano na ang nangyari sa mga ka-guild ko (which btw is named 'Eclipse', aka Shadow Circle of pRO Chaos :O)? Anong bago ngayon sa Roika? May event ba? May exp/drop mod ba? Ano na???

Panandaliang gamot: DotA through Hamachi hehehe

- Sakit ng ngipin, sakit din ng ulo. Haha, kumbaga sa set theory ay tootache => migraine :D Ang dami ko tuloy hindi nagawa, tulad na lang ng MP sa Datstru (o Dasalgo sa CCS XD) , yung assignment sa Matprob, atpb. At least nakapag-aral pa ako sa Numenal, kung hindi ay wala na naman akong ipangko-kontra kapag nag-PM ang kaklase ko sa akin ng "Mag-aral ka nga!".

Pero nakakapag-online pa rin ako. Labo.

- Matprob. Gaya nga ng nasabi ko kanina, ito ang isa sa mga bagay na hindi ko magawa dahil sa sakit ng ulo. Nakalimutan ko pala na sa lunes na ipapasa yung ibinigay sa aming practice exercise, na siya namang hindi ko sinagutan. Halimbawa ng isa sa mga tanong doon ay:

Find the constant K so that f(x) = Kx^2 (x squared) I(-K, K)(x) is a pdf.

Aba ewan. K is equal to 4th root of 3/2? Haha, sabi ko sa inyo wala pa sa kondisyon ang pag-iisip ko e hehehe.

Kagabi ko lang ito inumpisahang sagutan. Tapos bigla ba namang sabihin ni Bunye na walang pasok. Putsa, buti na lang hehe.

- Afternoon Nap. Dahil sa kabagutan, nakakatulog ako sa tanghali. Isang pambihirang pangyayari iyon, alam niyo ba? -__-

- Problema sa Bansa. Err... ayoko nang pag-usapan ito. >.> Basta kung sila magku-coup d'etat, ako naman ay magku-coup b'etat XD.

At oo nga pala, dahil sa mga nagra-rally ay bigla na lang sumagi sa isip ko ang isang parte sa kantang Megalomaniac ng Incubus:

..Hey megalomaniac
You're no Jesus, yeah you're no fucking Elvis.
Special, as you call yourself, maniac
Step down, step down..
--------
Sa ibang balita, Rich Alvarez nasa Red Bull na.
Galing. Kulang na lang ay si Wesley Gonzales (na nasa SMB na) at si LA Tenorio. Ateneo Barakos hahaha.

Saturday, February 18, 2006

Forget what I said.

Napasa ko yung MP ko sa oras, although may ibang part na hindi ayos.

Defense took me less than 5 minutes, so... :)

Monday, February 13, 2006

DotA Rant Part 2!

Nakakaasar na ang mga Meka boys dito sa shop. Kung magsalita, akala mo anggagaling. Pero sa totoo, bawat isa sa kanila iisang hero lang ang alam.

In fact, kabisadong-kabisado ko pa. Puro Lucifer, Lich, Sand King, Kardel, Ezalor. Kung hindi yun ang hero nila, lagi pa rin silang naka-Meka at Ring of Basilus.

At kung hindi rin yun ang gamit nila, tatawagin nilang mahina. Tawagin ba namang mahina si Sven? E mangmang ka pala e, kung alam mo lang na napa-minimal (IMO) ng effect ng Devotion Aura, e di sana puro Storm Bolt stats ang pina-level mo para kahit papaano ay meron kang mana. E kung nag-Perseverance ka na lang kaysa sa Meka, malayo sana ang narating mo. Kupal, sarap banatan.

Oo nga pala, speaking of Sven and Lucifer... Naalala ko nung naglaro kami ng kaibigan mong Meka Boy din. Tanong mo sa kaniya kung paano ko sila pinaglaruan gamit si Sven. Tanong mo kung bakit isang tirahan lang yung Kardel nyo. Tanong mo kung bakit nakapag-Stygian at Perseverance na ako habang kakabuo pa lang ng Meka nya. Tanong mo na rin kung bakit ako nag 17-0 at bakit sila nag-quit sa kalagitnaan ng laro.

XD

Thursday, February 02, 2006

Quizzes Blues

Patawarin nyo ako. Magrereklamo na naman ako tungkol sa mga grades ko.

Dati, masasabi kong nasa 80+ ang average ng karamihan sa mga first quiz ko. Nagawa ko pa iyon hanggang 3rd term ngayong college.

Pero iba na ngayon. Sa ikatlong kasunod na term, meron na naman akong binagsak na first quiz. Mas malala pa ngayon, dahil dalawa o tatlo ang posibleng naibagsak ko (sigurado na ako dun sa dalawa).

First quiz pa lang yan. Paano pa kaya yung mga ibang quizzes ko? Siguro, iniisip nyo ngayon na, "Bawi ka na lang sa susunod!". Minsan nangyayari rin yan, pero iba ang kaso sa akin...

Ang ibang quiz ko naman dati, kadalasan nasa 70 o 80 (ngayong college lang yan, hindi ko na kailangan pang banggitin yung mga grades ko nung high school :D) . Pero nitong mga nakaraan na term ko, bihira na ako makaabot ng 80, lalo na last term. Kadalasan nasa 60 na, minsan pa nga nasa singkwenta lang. Pag minalas, 40 o 30+ (*ubo*Intoset*ubo*Modealg*ubo pa*Phyfun2*ubo ubo ubo*). At pag sinuwerte naman, 70.

Masuwerte na sa akin ang 70+, totoo.

Ewan ko ba, pero parang nasanay na akong bumagsak, kahit ayaw na ayaw ko. Nakakahiya kasi e, yung mga kasama ko pa naman sa school, puro matatalino. Parang sila na rin ata e nasasanay nang makita ako na ganito ang grades. Naalala ko tuloy yung pinakauna naming quiz sa Math111, kung saan ako ang pangatlo sa pinakamataas (pag hindi sinama yung dalawang APEX >_>). Pagkatapos nun, wala na. Nagmistula tuloy akong isang one-hit-wonder.

Isang araw, bigla ko na lang natanong sa sarili ko, "Nagiging bobo na ba ako?"

Para bang kahit anong gawin kong aral, memorize, at pagsagot ng practice exercises, balewala pagdating ng aktwal na exam (Teka, nasabi ko na ata ito sa mga dati kong posts. Hmm...)

Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang tamang paraan. Kung kailangan kong balikan yung mga nangyari mula nang makakuha ako ng 1.8 GPA hanggang sa magkaroon ako ng dalawang bagsak last term, gagawin ko.

Ika nga nila, "This must be put to an end". Sana nga lang, magawa ko na talaga itong mapigilan, lalo na ngayong term na ito.

----

Patawad ulit. Hindi ako magaling gumawa ng title.