Friday, October 02, 2009

Minsan, nagtataka na ako kung hanggang kailan kang magiging ganyan.

Kapag sinabi ko bang 'wala na akong feeling sa iyo', magbabago ba ang lahat at uumpisahan mo na akong tratuhin na tulad sa ibang tao?

Pag kausap mo ang lahat, ang saya-saya mo. Nakakahawa ang ngiti at tawa mo. Lumalabas ang pagka-sweet mo. Pero pag ako ang kausap mo, ang dating sa akin ng itsura mo ay para akong isang makasalanan. Para bang may ginawa akong matinding kamalian sa mundo.

Hindi kita masisisi dahil hanggang ngayon naiilang ka pa rin. Gusto ko lang maglabas ng hinanaing. Gusto ko lang sabihin to. Nakakalungkot kasi. Wala akong karapatang magalit... pero sana meron akong karapatan para malungkot.

Mahal na mahal kita. At yan ang dahilan kung bakit nasasaktan pa rin ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home