Friday, August 05, 2005

Flying Fist


Image hosted by Photobucket.com


Heh. Sa wakas nakahanap din ako ng computer na may Paint para lang matapos ito.

Heto ang tunay na istorya sa likod ng comic na ito:

Dati kasi, pauwi na ako galing sa school kasabay ang mga kaklase ko. Habang nasa MRT, kinanta ng isa kong kaklase sa akin yung kanta sa advertisement ng Pampers na paasar.

Classmate: "Bulaga! Bulaga! Flying kiss! Flying kiss!"

Me: "Baka gusto mong makatikim ng Flying Fist!"

Last month lang ata yun, pero ngayon ko lang naisipang gawing komiks, kasabay ng aking pinakabang kinahuhumalingan: ang pagdodrowing sa MS Paint D:

Eto na lang muna sa ngayon. Meron na akong ideya para sa susunod kong komiks, ang kailangan ko na lang gawin ay hintaying matapos ang 1st round ng UAAP Men's Basketball. May kinalaman kasi yung susunod kong komiks don e heheheheh...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home