Monday, July 11, 2005

Kasing-amoy ng Lobo

Seryoso, amoy lobo talaga yung pantalon ko ngayon. <_< Sabi ko na nga ba dapat kaninang umaga pa lang pinalitan ko na yung pantalon ko e.

Actually, matagal ko nang napapansin na may nangangamoy-lobo malapit sa higaan ko (yung ibang mga pantalon ay nakasampay sa tabi ng higaan ko) Pero kaninang umaga ko lang nalaman na sa pantalon ko pala galing yung amoy na iyon.

Asar na asar talaga... sa sobrang inis ko e muntik na akong magpaalam sa tatay ko na umuwi muna sa bahay at magpalit ng pantalon. Madali lang yun kung tutuusin, e kaso sa Quezon City pa ako umuuwi e! Kung alas-nwebe ako aalis e di mga halos alas-dose na ako makakabalik ng La Salle :(

Kaya ayun, ang ginawa ko na lang e pumunta sa malapit na botika at bumili ng pabango. D: Kung sabagay, naubos na rin yung isa kong pabango e, kaya kailangan ko na ring bumili ng bago XD

Pagkatapos bumili ay dumiretso na ako sa pinakamalapit na C.R. at hala-sige-buhos ng pabango sa pantalon XD

Mamaya bago mag-klase sa Intoset, maglalagay ulit ako sa pantalon ko XD Baka mangamoy ulit e :(

-------------

Balitang Kahapon:

DLSU 78 - ADMU 60

To be honest, I thought Ateneo would win. Kahit na umabot ng 50-20 nung halftime, naniwala pa rin akong makakahabol pa at mananalo ang Ateneo. (sama ko no?)

Pero panalo pa rin la Salle e :P

Nadelay nga pala yung laro kahapon ng mga lagpas kalahating oras, at iyon ay dahil lang sa isang walang kwentang pag-advertise ng Ford Focus. Punyemas, isang car show sa isang "historic" (hey, it's the rivalry :P) basketball game #-o Ano bang gusto nilang palabasin? Na puro Lasalista at Atenista lang ang makakabili ng ganoon kamahal na kotse? Isang napaka-elitistang patalastas naman niyon! Mga P*!(@&#(*! sila XD

0 Comments:

Post a Comment

<< Home