Sunday, March 06, 2005

Ang kawawang procrastinator

http://dictionary.reference.com/search?q=procrastinator

pro·cras·ti·nate (pr-krst-nt, pr-)
v. pro·cras·ti·nat·ed, pro·cras·ti·nat·ing, pro·cras·ti·nates
v. intr.
To put off doing something, especially out of habitual carelessness or laziness.

v. tr.
To postpone or delay needlessly.


----------

Pagkatapos ng lagpas anim na oras, nandito pa rin ako sa harap ng computer, nagpro-procastinate sa aking machine project sa C++. :(

Hanggang ngayon di pa rin ako tapos, kahit sa prime factorization man lang. (Basahin: sa Thursday na ang pasahan, prime factorization at operation of fractions ang gagawin ko, tapos aayusin ko pa yung program, etc., etc...)

Anyways, gaya nga ng sinabi ko, ako ay nagpo-procastinate. Iniisip ko, meron akong ginagawa para sa project. Halimbawa, kunyari nag-iisip na ako ng ideya para sa mga gagamiting codes, pero sa totoo ay nagliliwaliw lang ang isip ko. Halimbawa rin ay kunyari ginagawa ko na yung codes, pero nandito ako, nag-iinternet at nagta-type para sa blog post na ito. (Pero pramis gumagawa talaga ako! D:)

Mahirap yung project. Well, para sa akin na tipong nag-umpisa nang malabuan sa subject. Nung umpisa, ok lang siya, kaya naman. Tapos biglang gumulo (to be specific, doon na sa parte na puro loops na <_<). Ni hindi na nga ako makarelate at di ko na maintindihan yung mga pinag-uusapan ng mga kaklase ko e. Tapos ayun, wala na, pakiramdam ko babagsak na ako sa subject na iyon. Kung hindi bagsak e siguradong mababang grade.

Hay. Mababang grade. :(

Nakakahiya ito. Nag-aaral pa man din ako sa La Salle, tapos ganito inaasal ko. Tapos isa pa ako sa mga pinakamababa sa block. (totoo naman e :( ) Tapos yung mga kasama ko e mga taong dean's lister (at sa mga "almost" dean's lister na rin), habang ako e nagmumukmok sa 2.xx na GPA.

Aba, Commat pa lang 'to ha! Paano pa kaya yung ibang subjects? (*coug*Inphil*cough*Filipi2*cough*)

Hay, kasi naman may importanteng gagawin sa computer, iba naman ang ginagawa. Nagme-messageboards. Nagcha-chat sa YM. Nakikinig ng musika. Nagfi-Friendster. D:

Kung hindi naman sa computer, nagpo-procastinate pa rin ako. Kung anu-ano ginagawa. Minsan naman, gagawa sa isang subject. Kapag tinamad, sa isang subject naman. Patuloy yan hanggang sa maguguluhan na ako sa kung anong subject ang gagawin ko.

Ahh naguguluhan na ako! D: Parang ayoko na mag-aral! D: T__T Ang hirap ng kolehiyo!

Pero ayos lang (anlabo #-o), magagawan ko rin ng paraan ito. Isa pa, lilipas din ito. Dadating at dadating pa ang ibang mas mahirap na subject. Ibig sabihin maraming paghihirap at pagsisikap (at procrastination <_<) din ang dadating.

Basta, sige aral lang. Kailangang magsikap. Kailangang magbasa ng marami. Kailangang... err.. kailangang... kumain ng marami. Matulog ng maaga. Manood ng TV. Di ko na alam ang sinasabi ko. Basta. :\

0 Comments:

Post a Comment

<< Home