Thursday, February 10, 2005

Meh... pumunta ako sa isang shop kagabi para makapag-online at makapagpost, pero nawalan ako ng gana dahil sa mga magugulong bata na naglalaro.

Kaya heto, nandito ako sa library namin para ituloy ang maikling post na ito (at para tingnan na rin ang santambak ng e-mail na dumagsa, hindi ko na nagawang basahin ang ilan sa mga iyon dahil nga sa kawalang-gana)

------------------

Dahil sa dami ng mga nangyari sa aming Saliksik (isang "recollection" para sa mga freshman sa school namin) kahapon, hindi ko na ilalahad isa-isa ang bawat detalye.

Sa halip ay iiwan ko na lang itong isa sa mga mensahe na ibinigay sa akin ng mga ka-blockmate ko:

Irwin,

though you may sometimes think that you are not appreciated, I appreciate you.

yngat* and God bless

(name disclosed wakokokok)


Ewan ko, sa apat na mensaheng nakuha ko, eto ang nakapagpasaya ng araw ko.

Salamat, (name disclosed wakokokok)





------------

*hindi po ako nagkamali sa pag-ispelling. Ganyan po talaga ang sinulat nya

0 Comments:

Post a Comment

<< Home