Gumising na ako para maghanda para sa ROTC training namin. Pagkatapos ng mahabang babaran sa araw ay naghanda na ulit ako para sa pupuntahan kong debut...
---------------
Hindi ata ako Pilipino e... baka isa akong Hapon! D:
Time check: 4:15 pm, Sabado
Pamilyar na sa atin ang "Filipino Time" di ba? Kilala na rin tayo sa mga ganyan e, yun tipong kapag alas-dose ang usapan ay dumadating o nag-uumpisa na ng mga ala-una o alas-dos o kahit anong oras na lagpas na sa napag-usapan.
Well, ibahin nyo ako! Haha! D:
(mahabang kwento, kung gusto nyo umpisahan nyo na lang dun sa "Sa haba ng mga sinabi ko..." sa ibaba)
Sinabi ko nung sabado kila Alvin at Sha na makikisabay ako sa kanila papunta sa debut ni Aleli. Pagkatapos ng training namin sa ROTC, kinailangan muna nilang umalis para mag-ayos, habang ako ay naiwan muna sa school, dahil doon na rin ako magbibihis at maghihintay. Inassume ko na dadating sila sa tamang oras (kahit walang napag-usapan) kaya hindi na lang ako umuwi dahil kapag ginawa ko yun ay hindi na ako aabot at baka maiwanan nila ako o mainis lang sila sa kakahintay. (kasi maraming bundok pa ang dadaanan mula sa bahay namin papuntang school <.<)
Anyways, alas-tres daw aalis ang tatay ko (dun muna kasi ako tumambay sa biology stock room), kaya bago pa man siya umalis ay kinuha ko na agad ang mga dala kong gamit at pumunta ng sports complex para maligo at kumain. Mga 3:30 na akong natapos magbihis, pero ayon kay Alvin, masyado daw maaga yun. So kakailanganin ko pang maghintay nang naka-long sleeves, slacks, at may dalang big bag. (yung tipong pang-varsity player, na may nakasulat pang "St. Benilde" dahil hiniram ko lang sa kuya ko)
So ako ay naghintay... at naghintay... at naghintay pa... hanggang sa matanggap ko ang isang text messsage ng mga kay Alvin na dumating na raw siya. Oo nga pala, mga 6 na nya ako tinext, 3:30 ako natapos magbihis D: Pero kailangan pa rin daw naming hintayin yung mga babae dahil nag-aayos pa daw sila. At kami na naman ay naghintay, hanggang sa dumapo na ang dilim sa La Salle.
Doon na lang kami sumabay sa isa pa naming ka-blockmate. Mga lagpas na ng 7 yun, at ayon sa programme, 6 daw yung umpisa ng debut. Medyo kinabahan ako nun kasi nakakahiya naman kasing dumating ng late (para sa akin XD) Nung nakita ko siya, medyo lumuwag ang pakiramdam ko, kasi yung sinabayan namin ay isa sa mga 18 roses. So inisip ko na baka hindi pa nag-uumpisa yung debut kasi hindi pa sila kumpleto XD
Sa haba ng mga sinabi ko, isa lang ang gusto kong sabihin: Maaga akong dumadating. Minsan sobrang aga pa. Wala lang, ayaw ko kasi ang nagiging late e, nakakahiya naman kasi para sa akin yun e. Ok lang sa akin kung mapapaaga ng konti, wala namang problema kung maghihintay lang ako ng konti. Sa totoo nga, mas gusto ko pang ako ang maghintay kaysa sa ako ang hihintayin.
Habang bagot-na-bagot na ako sa kakahintay sa mga kaklase ko, natanong ko sa sarili ko kung bakit lagi na lang ako maaga, at kung ako ba talaga ay Pilipino? XD Kasi minsan napanood ko sa "Japan Video Classics" (sa channel 9 at 13) na ang mga Hapon daw ay mga modest na tao, laging dumadating kung hindi mag eksakto sa oras ay mas maaga ng ilang minuto. Posibleng nga sigurong meron ako ng ganong ugali ng mga Hapon. (well, minuto pag sa Hapon, sa akin naman ay oras ang pinag-uusapan D:)
Baka nga Hapon ako. Pero kahit papaano natin tingnan, Pilipino pa rin ako e. XD
---------------
Livin' it up at the Hotel Cali... err... Bellevue
Time check: mga bandang alas-siyete na ng gabi, Sabado pa rin
Aaminin ko, first time ko lang makapag-stay sa isang hotel ng overnight. At may ilan lang akong gagawing mga "pasasalamat":
- Salamat at hindi na akong kailangang umuwi sa kabilang bundok, este sa bahay namin <.<
- Salamat sa isang masarap na shower XD - Salamat at nakapanood ulit ako ng Late Night with Conan O'Brien :D
- Salamat sa isang magandang view, kung saan sa dami ng matatanaw ko ay isang nasusunog na building pa ang makikita ko.
- Salamat at nakakita na rin ako ng bath tub ng malapitan (lol)
- Salamat sa debutante! :D
Sa kwarto naman namin, puro katuwaan ang ginagawa ng mga kablockmate ko. Mga pinagsamang inuman, Tong-Its, Spin-the-Bottle at Truth or Dare (na siyang tinatawag kong "Block Scandal" D: ) Pero habang sila ay nag-iinuman, ako naman ay nagtatahi.
'Di ako nagbibiro. Nagtatahi ako nung mga oras na iyon.
Ang weird ko talaga. Imbes na makisama ang makipagsayahan ay nandoon lang ako sa isang upuan at nagtatahi ng patch sa ROTC uniform ko. Ganito nga tumatakbo sa isip ko nun e:
Blockmates: "Uy Irwin! Sali ka dito! Uminom ka naman!"
Ako: "AYOKONG UMINOM! BAD YUN! ETO O, SAMAHAN NYO NA LANG AKONG MAGTAHI! MAS MASAYA PA! ZOMGWTFLOLZ S3W!NG !S M0R3 1337 7H4N JOO LOLOLOLOLOLZZZ!!!!!"
Huwag po kayong mag-alala mga kaibigan. Ako po ay mabait (lol) at may paninindigan, hindi po ako nakatikim ni isang patak ng alak. Kamuntikan lang akong maloko dun sa pulang Red Horse na bote na akala ko ay Coke. Whew. =O
OMG NERDNESS <_<
Enough of the beer talk already... maiba naman tayo. So madaling araw na nga ng mga oras na iyon, kaya ayun, dapat ay matutulog ako kaso hindi ko naman magawa dahil hindi ako madapuan ng antok. Kaya ayun, nandoon lang ako, naghihintay na mag-umaga na habang nagtutupi ng sleeves ng ROTC uniform ko. Pero oras ang tatagalin para lang maghintay, hanggang sa ako ay inabot na ng pagkabagot at gutom. Ang ginawa kong solusyon doon ay nagpalit ng pang-ROTC na suot (pantalon at combat boots) at nagtanong sa guwardiya kung mayroong malapit na 7-11 o kahit anong lugar na makakainan. Swerte naman at mayroon daw Caltex, pero malayo daw iyon at mas madali daw kung magji-jeep na lang ako. Pero imbes na gawin iyon, pinili ko na lang na mag-jogging (jogging, hindi lakad) hanggang doon sa Caltex, parang pampainit lang ng katawan at pagtanggal ng bagot.
Pagkatapos kong mag-almusal ay bumalik na ako sa hotel at nag-ayos kasabay ng mga kaklase ko para umalis papunta sa Fort Bonifacio, kung saan gaganapin ang Annual General Tactical Inspection (AGTI) competition...
Time check: 6:30 ng umaga, Linggo. 27 oras simula ng una akong gumising, at hindi pa ako nakakatulog...
---------------
Larcey! *apir*
(Paningit lang XD)
Ayos, nakita ko na ulit yung long-lost, (sorry sa term D: ) former blockmate, ang latecomer ng Miriam, si Larcey! XD
'Di ko na maalala kung ilang apir ang ginawa namin nitong taong eto. Basta ang di ko makakalimutan nung makita namin siya ay nung kunantahan niya ako D: Malumanay na boses na humahagod sa mga buto ko... Hanggang ngayon napapa-@_@ pa rin ako e D:
Nice to see you again! XD
---------------
Brace up, DLSU midshipmen!
Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinaghahandaan namin ng ilang linggo. Pagkatapos ng lahat ng pagod, pagbababad sa araw, ilang rifle drills, at pagtuturo ng mga officer, ilalabas na namin lahat ng natutunan namin sa kompetisyong ito. Kailangang ipiga na ang lahat ng snappiness nanatitira sa loob ng aming katawan.
Ang DLSU nga rin pala ay ang 2-time defending champions ng AGTI, kaya matindi ang pressure ang nakapatong sa mga balikat namin. Mas lalo pa itong pinatindi dahil sa mga mabibigat na kalaban, tulad ng Adamson, University of Makati, PMMS, at iba pang Maritime school at pamantasan na may NROTC units. Pag nanalo kami, maga-Grand Slam daw ang La Salle. Pero para magawa ito, kailangang galingan namin.
Habang kami'y naghihintay para sa turn (sorry di ko maisip yung Filipino -.-) namin, bigla kong nakita si Happy, pagkatapos ay sinundan na ng mga ka-blockmate ko. Ewan ko lang, pero bigla akong nakaranas ng isang malakas na pagkasabik. Sa mga oras na iyon, parang gusto ko nang pumunta sa field at umpisahan kung ano ang aming kailangang gawin. Kahit na umalis at hindi na sila umabot kahit man lang sa ranks inspection, hindi nawala ang inspirasyon ko na galingan.
(mag-iiskip na ako ng ilang parte... natapos na ang mga drills, except sa isa...)
Nabalitaan namin na lumaki na ang lamang sa amin ng ibang eskuwelahan, at isang exercise na lang ang kailangan naming gawin: ang COD o Close-Order Drills.
Hindi ko na ilalahad ang detalye ng naging COD namin, sa halip ay ikukwento ko na lang kung paano kami binastos ng University of Makati. Kahit guluhin nila ang mga officer namin, masabihan ng "asa"(halatang mga naglalaro ng pRO <.<) at kung anu-ano pang paninira, hindi nila kami matitinag. Sige tuloy lang kami na parang walang mga asungot sa paligid namin. Pero di ko talaga mapigilan ang mainis at masabihan ng "walang modo" at "bastos" ang mga ungas na iyon. Parang gusto kong umalis sa platoon namin at paghahampasin ko ang mga mukha nila ng ilalim ng riple hanggang sa dumugo ang mga mukha nila, at butasin ng barrel ang kanilang mga ulo, at, at... uhh... never mind <.<
Sa huli, ikatlo (o ikalawa? hindi ko maalala kasi papalit-palit daw ng score, basta kasama kami sa top 3) lang ang nakuha naming pwesto. Pero kung titingnan nyo, mukhang mas masaya pa kami kaysa sa ibang kasaling eskuwelahan. Hindi rin ako nakakita ng bakas ng pagkalungkot mula sa mga officer at ibang kadete. Kahit natalo kami, umuwi kaming masaya at kuntento. Masaya rin ang naging mood namin sa bus. Kasama ang aking platoon, ang Model Batallion, kung anu-ano ang kinakanta namin sa bus. Merong mga simpleng chants, ang Alma Mater Hymn, pati na rin ang "Let the Love Begin", "Hands to Heaven", at ang "I'd Rather Be Green Than Be Blue".
Pagdating sa La Salle, dumiretso ako kasama ang ilang ka-blockmate sa Torre Lorenzo (ang dorm ng debutante) para kunin ang mga bag namin. Sunod ay nag-umpisa na kaming magsi-uwian.
Time check: 7:47 na nang nakasakay ako.
---------------
Bagong record...
Naghintay pa kasi ako ng bus na masasakyan, pero jeep na lang ako sumakay. Himala at hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa mga nangyari. o_O
Mga 10 na ako nag-umpisang humiga, pero hindi pa rin ako inaantok. Sabagay, ganon naman talaga ako e, matagal bago makatulog. Hindi ko alam kung anong oras ako eksaktong nakatulog, pero inaassume ko na mga 10:40 na sa mga oras na iyon.
Nagkaroon na ako ng bagong record: 43 oras akong gising.