Tuesday, December 28, 2004

Tama, isang kalokohan nga.

I really think I already have enough.

Wala nang nangyayari, kahit ano pa man ang gawin ko. Niloloko ko na lang ang sarili ko at nagmumukha na lang akong ewan sa harap nya. Patuloy na lang akong umaasa. Pero sa totoo, umaasa lang ako sa wala.

Ano naman kung nag-uusap kami? Ano naman kung sa akin siya nagpapatulong tungkol sa ilang bagay?

Hindi lang yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Natanong ko na rin sa sarili ko kung ano ba ako sa kaniya. Kung ano naiisip nya tuwing nag-uusap kami. Kung ano ang nararamdaman nya sa akin, kung meron man. (pero most likely wala)

Matagal ko nang pinag-iisipan ang mga bagay na iyon. Halos ilang beses ko na rin itong nabanggit sa isa kong blog. Pero pinapalampas ko lang iyon palagi. Ibig sabihin lang, matagal na akong nagtitimpi at nagtitiis. Ano magagawa ko, may pagka-martir din ako kasi minsan e.

Pero ang tanong, hanggang kailan?

...

Nag-uumpisa na naman akong maguluhan...

...

Wala na, wala na talaga.

Eto na ba ang tamang oras para magsimula ulit?

...

Hmm... maybe i'm just tired. maybe I need some rest.


----------

If she can read this right now, I bet she has no idea that I'm talking about her.

Edit: SEE??? I KNEW IT!!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!! <_<

Sunday, December 26, 2004

I got it bad. Really bad.

Masaya by Bamboo

ako'y malungkot na naman
amoy chico na ako
ilang tagay na hindi pa rin tulog
tanong ko lang sa langit
kung bakit pumangit
nung dumating masaya
ngayo'y panay problemang
bumabalot sa buto
bakit ganito

ang pag-ibig
ganyan talaga
pagbago pa ang pag-ibig
ganyan talaga
masaya

pagkagising ko
nakita ko si juan
na syang adik
sa aming lugar

parang droga daw ang bisa
na ginamit niya kanina
sa una lang daw
masarap

ang pag-ibig
ganyan talaga
ako'y nilamon ng pag-ibig
ganyan talaga
masaya

ang pag-ibig
ganyan talaga
ako'y nilamon ng pag-ibig
ganyan talaga
masaya

-------------------

The fuck... this song has been continously playing in my head for days, especially at night times, before I go to sleep. <_<

So I guess it likes to hit on emos, ne? D:

-------------------

Minsan feeling ko rin hindi ko na kaya. Pero sa hindi maipaliwanag na paraan ay nagagawa kong tiisin ang lahat ng iyon. Kaya nga buhay pa rin ako hanggang ngayon e XD. Siguro kung di ko nakayanan yun, marahil namatay na ako sa depresyon hehehe.

Kahit subukan kong takasan iyon, lagi pa rin itong bumabalik sa akin. Pero ayos lang 'yon, nakakatuwa naman e. Ganun talaga iyon. Masaya.

...

Stupid holiday. <_<

My eyes hurt and I feel sick. Now I can't go out and play. <_<

Hope this goes away before new year.

Saturday, December 25, 2004

I'm back.

After deleting my first blog here in Blogspot, I decided to make one again.

Check in after a while while I try to fix some things here...

- Added a Tag-Board. And I thought I need to sign in to those "sponsors" just to get a free Tag Board. <_<

Tag Board Status: IT'S NOW WORKING!!!! WE CAN SPAM NOW!!! D:

- Added links to other people. I just copied it from my other blog's source hehehe.


-----------------------

Merry Christmas! XD