Natapos ko na ngayong araw ang aking huling subject na pinagkuhaan ko ng finals, ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat na akong magsaya. Ako ay dehado na agad bago pa man mag-umpisa ang finals week.
Siguro naiisip nyo, "Ay putsa, paulit-ulit ko nang nababasa ang ganito dito! Dehado daw, pero pagdating ng course card distribution day pasado! Minsan pa nga mas mataas pa sa uno e!"
Hindi ngayon. (O sige, pwede mo yang sabihin, pero sa Commat3/Java Programming class ko lang)
Opo, dehadong-dehado talaga ako ngayong term. Ipapakita ko sa inyo:
------
Sa Math116 (with matching
"Sulong laban, wag uurong..." SEA Games song sa background) , ang average ng mga quiz ko ay 65+52+52+47=216/4 = 54
So 54 x 0.7 = 37.8
60 - 37.8 = 22.2
22.2 / 0.3 = 74 ang kailangan ko para maka-1.0
Napakasaklap isipin, lalo na ang katotohanang sa aking 2nd, 3rd, lalo na sa 4th quiz ay nag-aral talaga ako, pero puro bagsak pa rin. Nakakaasar ang ganun, no?
-----
Sa Modealg naman, ang average ng quizzes ko ay 39 (oo totoo yan) + 62 + 59 = 160 /3 = 53.33
53.33 x 0.7 = 37.33
60 - 37.33 = 22.67
22.67 / 0.3 = 75.57 o 76 ang kailangan ko para maka-1.0
-----
Sa Phyfun2 ko, ang average naman ay 38 + 53 (bwisit na-minus 4 pa) + 46 = 137 / 3 = 45.67
Assuming na mas mataas ang finals ko kaysa sa 45.67, 35% lang ng final grade ko ang manggagaling sa average ng quizzes at 50% naman ng final grade ay manggagaling sa final exam.
Kahit na 50% ang passing mark (Ok, pakunswelo na iyon, considering na mahirap talaga ang Physics sa DLSU), malaki pa rin ang kakailanganin ko.
-----
Alam nyo na siguro kung ano ang mangyayari kung sakaling isa sa mga iyan ay hindi ma-satisfy.
Sabi ko last term, hindi ko na uulitin ang nagyari sa aking grades. Hindi nga siya naulit, mas masaklap nga lang.