Wednesday, September 28, 2005

Wow. Isang taon na agad ang lumipas. Parang nung isang araw lang nung nagtatatalon kami sa tuwa nang magawa ni JV Casio yung mahimalang 3-point shot.

Pagkatapos ng isang taon, nandito na naman tayo.

Hay, FEU na naman. Malaki ang tsansa naming matalo ngayon, lalo pa't hindi pa nananalo ang Green Archers sa FEU ngayong season. Nandyan pa si Arwind Santos, na hindi nagpa-draft sa PBA dahil gusto lang ulit makakuha ng MVP award at talunin ang La Salle. Oo, yan mismo yung sinabi nya. #-o Isa pa, may pangako sya sa FEU na dadalhin nya ngayong taon ang kampyonato. Wow, ano kaya kung natalo sila ngayon? Hehehe! XD

Wala na daw pag-asa. Sabi nga nila e "underdogs" daw kami.

Kung tutuusin, ganyan din naman dati e XD

Kung sakali mang matalo kami ok lang. Ayos lang na matalo kami sa FEU Tamaraws Men's Baskteball Team.

Pasensya na, kailangan ko lang talagang i-specify. Siguro nagiging "bitter" o may pagka-elitista tong pinagsasabi ko, pero eto talaga ang naiisip ko. Ayoko talaga sa audience nila. Nakakaasar. Nakakaasar tingnan ang mga batang sama-samang naka-PE uniform. Nakakaasar yung mga gurang nilang alumni na pilit ginagaya ang Gang Green. Nakakaasar yung mala-tribo nilang "F-E-U!" Mas nakakaasar pag nambato na naman sila ng pamaypay.

Hah. Tingnan natin next season, kung kelan wala na ang "Arwind Team" nyo, kung team nga ang tawag dyan.

Hahaha nakakaasar na ako XD XD XD

Nasa puso na lang yan. Pagkatapos ng mga nangyari sa mga Arkero, nag-uumpisa na ulit mabuo ang kanilang momentum. Kaso nga lang, wag lang sanang maging "overconfident". (Joseph Yeo, eherm...)

Gaya nga ng sabi nila sa GA.net,

"The Animo will prevail."

Animo La Salle.

---------

Nakakalungkot ring isipin na ang mga estudyante ay pansin na pansin ang pagpasok ng Green Archers sa Finals. Wala silang kaide-ideya na ang anim na taong dinastiya ng isang team ay natapos na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home