Para bang ang lahat ng problema na posibleng mangayri ay bumagsak sa akin.
Sa linggong ito, kasama ang sa Math115 (Mathematical Analysis 3 na tinatawag kong "math na pang abno") last week, lahat ng mga naging exam ko ay sumablay. Ang mas malala pa dun, baka lahat ay sumalpok sa dalawang itlog.
Polar coordinates ng karimlan. Sinumpang vector matrices. Maling maximum height na umabot sa mga maling acceleration at velocity.
At kanina naman, symbolic logic na masyado kong minaliit. Porke given na kasi ang mga rule of inferences, binasa ko na lang at "inintindi" ang mga nasa notes ko. Ayan tuloy, apat sa anim na tanong ay hindi ko natapos (ngunit 'di nangangahulugang blanko).
Ang mas masama pa dito, isang buwan pa lang simula nang mag-umpisa ang term. Habang patagal ng patagal, lalo akong humihina. Paano pa kaya ngayong nag-uumpisa pa lang e nagkakalat na ako.
Wala na, masyado na akong bobo. Hindi na ako yung nakilala ng mga tao noong high school. Masyado na akong pabaya.
Hay buhay.
*****UPDATE!
Ako ay naka-58 sa Commat2 1st quiz!
Weeeee~
c___c

0 Comments:
Post a Comment
<< Home